Diwa Ng Pag-Asa


Sapagkat ang diwa ng pag-asa ko ay ikaw

Pag sumasagi sa akin ang kalungkutan
At ang buhay ay tila walang kinabukasan
Sabihin mo lamang na ako'y iyong minamahal
Muling magbabalik ang aking kaligayahan

Gabi-gabi pangalan mo ang aking dinarasal
Hinahanap-hanap kita araw-araw
Mapapawi mapaparam ang aking lumbay
Kung ang pag-ibig mo ay maging akin habang buhay

Mapapawi mapaparam ang aking lumbay
Kung ang pag-ibig mo ay maging akin habang buhay
Sapagkat ang diwa ng pag-asa ko ay ikaw