Diyos Ang Kasagutan
Huwag kang malungkot kaibigan
Sa'yong sinapit na kabiguan
Mga biyaya'y kakamtin
Sa ibang araw na darating
Huwag ka sanang magtatampo
Baka ito'y isang pagsubok sa'yo
Ako'y isang kaibigan mo
Na nagpapayo nito
Kailangan ay tiyaga upang makuha ang gusto
Wag mong isuko ang sarili mo
Kahit anong bigat ng problema mo
Ay mayroong kasagutan dito
Wag kang matakot kaibigan
Sa bawat pagsubok sa buhay
Higit sa lahat nandyan ang Diyos
Upang samahan ka
Buksan mo ang mata't isipan
Ang buhay ay hindi laging ganyan
Mayroon ding bagong umaga
Bagong lakas bagong pag-asa
Kailangan ay tiyaga upang makuha ang gusto
Wag mong isuko ang sarili mo
Kahit anong bigat ng problema mo
Ay mayroong kasagutan dito
Huwag kang malungkot kaibigan
Sa'yong sinapit na kabiguan
Mga biyaya'y kakamtin
Sa ibang araw na darating
Diyos ang kasagutan
Diyos ang kasagutan
Siya lang ang ating kailangan