Gintong Aral

Ang bawat isa ay may patutunguhan
May kani-kaniyang hakbang at kani-kaniyang daan
Sa bawat landas na tatahakin sa buhay
Ang awitin na ito sana ay magsilbing gabay

Ako'y mayroong mga natutunan
Mga gintong aral na dapat lang tandaan
Hanggang kaya ko kayoy aawitan
Mga gintong aral aking babahaginan

Katulad ng dapat lamang makinig sa ating mga magulang
Sila'y pabalik na subalit tayo ay papunta pa lang
At kung iyong gustong ikay patawarin
Ikaw ay matuto na magpatawad din

Ang bawat isa ay may patutunguhan
May kani-kaniyang hakbang at kani-kaniyang daan
Sa bawat landas na tatahakin sa buhay
Ang awitin na ito sana ay magsilbing gabay

Marami akong mga natutunan
Mga gintong aral na hindi malimutan
Hanggang kaya ko kay'oy aawitan
Mga gintong aral aking babahaginan

Katulad ng dapat lang lingunin
Ang ating pinanggalingan
Sa kapwa ay huwag mong gagawin
Ang ayaw mong gawin sa iyo

Baka sa awitin ay maintindihan
Ako'y tulungan nyot ating pagsabayang awitin