Gitara Ko


Tuwing sasapit ang bawat umaga
Hinahaplos ko ang aking gitara
Gitara ko'y bahagi na nitong aking buhay
Sa hirap at sarap kami'y laging magkaakbay

Lahat halos ng aking inaawit
Gitara ko'y katulong kung umiisip
Ako'y pinalad mapadpad sa kung saan-saan
Kahit mahirap ang gitara ko'y aking pasan

Kahit na kailan kahit na saan pa man
Ang gitara ko'y aayon sa akin sa tugtugan
Kahit na kailan kahit na saan pa man
Bawat himig ay aming bibigyang daan

Kahit sa tagumpay o kabiguan
Gitara ko ay aking kaibigan
Mula't sapul pa man gitara ko'y aking gabay
Wala pa kong pinagsisihang syang naging dahilan

Kahit na kailan kahit na saan pa man
Ang gitara ko'y aayon sa akin sa tugtugan
Kahit na kailan kahit na saan pa man
Bawat himig ay aming bibigyang daan