Halina Neneng


Ang puso ko ay nananaginip
Dahil sa gandang taglay mo mutyang tagabukid
Ang mga lumipas nating araw ng pag-ibig
Babakasin kong alaala hanggang langit

Neneng halina Neneng at huwag kang lalayo sa akin
Ang puso ko ay nahahapis kung hindi tayo magkapiling
Neneng kapag wala ka ang buhay ko'y walang sigla
Ngunit kung ako'y kausap mo liyag napapawing lahat ang aking hirap

Kung kita'y hinihintay sa tuwi-tuwina ang puso ko'y nangangamba
Ito ay tunay Neneng kapag wala ka
Ang buhay ko'y walang sigla
Ngunit kung ako'y kausap mo liyag napapawing lahat ang aking hirap