Hatol


Naparatangan sa
Di ko kasalanan at
Iba ang may sala
Ba't ganyan ang ating lipunan

Ako ang sinisi sa maling nangyari
Na di ko ginawa ako ang inapi
Naniwala sila sa maling salita
At lahat sila ay natuwa

Bakit ganito ang mundo
Bakit nangyayari ito
Kaydaling maniwala sa hakahaka
Na hindi ko naman ginawa

Sadyang ang pagsubok ay laging ganyan
Pasasaan ba't tunay ang malalaman
Ang Diyos ay gising at di ka iiwan
Hahatulan ang may kasalanan

Ang buhay ay laging
Mayrong katanungan
Bakit ba susuko
Yan ay karuwagan

Ako ang sinisi sa maling nangyari
Na di ko ginawa ako ang inapi
Naniwala sila sa maling salita
At lahat sila ay natuwa

Bakit ganito ang mundo
Bakit nangyayari ito
Kaydaling maniwala sa hakahaka
Na hindi ko naman ginawa

Sadyang ang pagsubok ay laging ganyan
Pasasaan ba't tunay ang malalaman
Ang Diyos ay gising at di ka iiwan
Hahatulan ang may kasalanan

Ang sabi ni ina pag ika'y binato
Ibalik mo'y tinapay bilang ganti mo
Ang tukso kailanman ay di magwawagi
Kung sa puso mo'y naro'n ang buti

Bakit ganito ang mundo
Bakit nangyayari ito
Kaydaling maniwala sa hakahaka
Na hindi ko naman ginawa

Sadyang ang pagsubok ay laging ganyan
Pasasaan ba't tunay ang malalaman
Ang Diyos ay gising at di ka iiwan
Hahatulan ang may kasalanan

Hahatulan
Hahatulan