Hibik Ng Damdamin
Ay hirap ng mabuhay sa kalungkutan
Puso ko'y lumuluha't laging nagdaramdam
O giliw ito kaya ay kasalanan
Ang mahalin kita ng higit sa aking buhay
Aanhin pa ang buhay na walang ligaya
Lalo't bigo sa tunay na sinisinta
Hindi ka masisisi o aking giliw
Kung laging ang dulot mo ay dusa at hapis
At iyan ay itinakda sa akin ng langit
Tanging ang maykapal lamang ang nakakabatid
Aanhin pa ang buhay na walang ligaya
Lalo't bigo sa tunay na sinisinta
Hindi ka masisisi o aking giliw
Kung laging ang dulot mo ay dusa at hapis
At iyan ay itinakda sa akin ng langit
Tanging ang maykapal lamang ang nakakabatid
Magtitiis hanggang ang buhay ko'y pumanaw
Manalig kang ikaw pa rin ang siyang mahal