Hihintayin Ko


Kung makita mo kahit saan ang aking giliw
Pakisabi mong magbalik na sa aking piling
Titiisin ko ang pasakit na dulot niya sa akin
Hihintayin ko kahit kailanman ang kanyang pagdating

Huwag ka sanang magtampo
Mahal ko'y ikaw pa rin
Patatawarin ko'ng lahat
Ang sala mo sa akin

Magbagong buhay tayo
Lalong pag-ibayuhin
Ang pagmamahal na sinabi mong di magmamaliw

Kung makita mo kahit saan ang aking giliw
Pakisabi mong magbalik na sa aking piling
Titiisin ko ang pasakit na dulot niya sa akin (titiisin ang pasakit)
Hihintayin ko kahit kailanman ang kanyang pagdating (hihintayin ko ang pagdating)

Di ako magtatampo
Mahal ko'y ikaw pa rin
Patatawarin ko'ng lahat
Ang sala mo sa akin

Magbagong buhay tayo
Lalong pag-ibayuhin
Ang pagmamahal na sinabi mong di magmamaliw
Ang pagmamahal na sinabi mong di magmamaliw