Hindi ko Malilimutan
Tayo ay naligayahan nang tayo ay magsumpaan
Taglay ang ating lambingan sa gitna ng halamanan
Ang ating mga palagid ay naligayahan na rin
Ang simoy ng hangin at sinag ng buwan ay naghandog ng aliw
Ang bulaklak sa halamanan ay nagsabog ng kagandahan ahahay
Ang bituin sa langit ay nagniningningan naman ahahay
Di ko na malilimutan ang ating kaligayahan
Nang ikaw at ako ay nagsumpaan doon sa halamanan

Nang ikaw at ako ay nagsumpaan doon sa ating halamanan