Hindi Mo Nalalaman
Hindi mo nalalaman
Ako 'y nahihirapan
Ito'y puso ko lamang
Na iyong sinasaktan
Lihim ng aking buhay
Ibigin kang tunay at tataglayin ko hanggang mamatay
Yaring pagmamahal
Bawat sandali ay ikaw lang
Ang aking namamalas
Ang pag-ibig mo'y dalangin
Laging hinahangad
Hindi mo nalalaman
Ang hirap sa buhay at tataglayin ko hanggang mamatay
Yaring pagmamahal
Hindi mo nalalaman
Ang hirap sa buhay at tataglayin ko hanggang mamatay
Yaring pagmamahal