Hindi Niya Nalalaman


Palahaw ng hinahangad
Na maging akin
Hindi ko maipagtapat
Ang taglay kong layunin

Lagi ko siyang minamasdan
Nasasabik ang damdamin
Hindi niya nalalaman
Na siya ang aking hangarin

Ang tangi kong dalangin
Mapangarap ng giliw
Na ako'y umiibig
Nang wagas hanggang langit

Siya'y tunay kong minamahal
Hindi niya nalalaman
Dahil di masabi
Ang pagmamahal

Ang tangi kong dalangin
Mapangarap ng giliw
Na ako'y umiibig
Nang wagas hanggang langit

Siya'y tunay kong minamahal
Hindi niya nalalaman
Dahil di masabi
Ang pagmamahal