Iibigin, Mamahalin Kita


Iibigin mamahalin kita
Anuman ang maging wakas
Itakwil man ako nitong daigdig
Pag-ibig ko sayo'y laging wagas

Pagpipilitan ko
Na ang hangari'y matupad
Kahit ang buhay ko'y
Dumanas ng hirap

Iibigin mamahalin kita
Iyan ang pangakong di mag-iiba
Ang tangi kong hangad
Ay ang iyong kaligayahan

Asahan mong ikaw
Tanging ikaw lang
Ang iibigin ko habang nabubuhay

Iibigin mamahalin kita
Iyan ang pangakong di mag-iiba
Ang tangi kong hangad
Ay ang iyong kaligayahan

Asahan mong ikaw
Tanging ikaw lang
Ang iibigin ko habang nabubuhay