Ikaw ang buhay
Ikaw ang buhay
Hanggang libingan
At kung ikaw ay wala ang ligaya ko'y mamamatay
Ganda mo giliw
Ang siyang pangarap
Ang bawat hirap na nakakamtan ay napawing lahat
Ito ang buhay
O mutyang Paraluman
Saksi ang langit
Na sumpa ko'y ikaw
Ikaw ang buhay
Ikaw nga lamang
Ang siyang hantungan ng aking pag-ibig at pagmamahal
Ito ang buhay
O mutyang Paraluman
Saksi ang langit
Na sumpa ko'y ikaw
Ikaw ang buhay
Ikaw nga lamang
Ang siyang hantungan ng aking pag-ibig at pagmamahal