Ikaw Ang Ligaya Ko

Ikaw ang ligaya ko panaligan mo o giliw ko
Ngayon at kailan pa man ang aking pag-ibig di magbabago
Ikaw ay umasa ring sa sumpaan ay di magtataksil
Kahit buhay ay makitil ang aking pagsuyo'y di magmamaliw

Lahat ng hanap ko sa buhay
Sayo'y aking natagpuan
Kaya't iyong paniwalaan
Na labis kitang minamahal

Ikaw ang ligaya ko at siyang lahat sa buhay ko
Kung nasa kandungan mo parang nasa langit ang sarili ko
At habang may buhay ang puso ko ay tanging sa iyo
Sana ay panaligan mo ang iyong pagmamahal ang ligaya ko