Ikaw Ang Ligaya Ko


Ikaw ang ligaya ko
Panaligan mo
O giliw ko
Ngayon at kailan pa man
Ang aking pag-ibig
Di magbabago

Ikaw ay umasa ring
Sa sumpaan ay di magtataksil
Kahit buhay ay makitil
Ang aking pagsuyo'y
Di magmamaliw

Lahat ng hanap ko sa buhay
Sayo'y aking natagpuan
Kaya't iyong paniwalaan
Na labis kitang minamahal

Ikaw ang ligaya ko
At siyang lahat sa buhay ko
Kung nasa kandungan mo
Parang nasa langit ang sarili ko

At sa habang may buhay
Ang puso ko ay tanging sa iyo
Sana ay panaligan mo
Ang iyong pagmamahal ang ligaya ko

Lahat ng hanap ko sa buhay
Sayo'y aking natagpuan
Kaya't iyong paniwalaan
Na labis kitang minamahal

Ikaw ang ligaya ko
At siyang lahat sa buhay ko
Kung nasa kandungan mo
Parang nasa langit ang sarili ko

At sa habang may buhay
Ang puso ko ay tanging sa iyo
Sana ay panaligan mo
Ang iyong pagmamahal ang ligaya ko
Sana ay panaligan mo
Ang iyong pagmamahal ang ligaya ko