Ikaw Na
Kung tunay ang wikang ikaw ay tapat
Sa pagmamahal ay wagas
Pag-ibig ay minsan at di kukupas
Ikaw ang nais kong liyag
Ikaw na at ikaw na lamang
Ang aking pag-ibig kailan man
Sapagkat ikaw lang ang may tangan niyaring puso
At aking buhay
Kung sakaling ako'y mamatay
Na ikaw ang tanging dahilan
Liligaya pa rin sa lahat ng araw
Sapagkat ang mahal ay ikaw
Kung sakaling ako'y mamatay
Na ikaw ang tanging dahilan
Liligaya pa rin sa lahat ng araw
Sapagkat ang mahal ay ikaw