Ikaw Pa Rin Sa Puso


Kahit 'di pa sabihin
Sa'kin ang iyong damdamin
Ay damang-dama ng puso kong
Ika'y nagbabago

Kahit 'di kayang aminin
Na mawawala ka sa'kin
Pipilitin ko pagkat ganyan
Ang pag-ibig sa'yo

Ngunit paanong lilimutin
Ang mga kahapon natin
Alaala mo'y laging naro'n pa rin

Tunay na ikaw pa rin sa puso
Ang lahat ng bawat kong pagsuyo
Paano bang mag-isa
Paano kung wala na
Pag-ibig kong dati'y sinasamba

Ngunit kung sya ang iyong ligaya
Tunay na ika'y makakaasa
'Wag kang mag-alala
Hahayaan kita
Kahit ang puso ko'y nag-iisa

Kahit di pa sabihin
Sa'kin ang iyong damdamin
Ay damang-dama ng puso kong
Ika'y nagbabago

Kahit 'di kayang aminin
Na mawawala ka sa'kin
Pipilitin ko pagkat ganyan
Ang pag-ibig sa'yo

Ngunit paanong lilimutin
Ang mga kahapon natin
Alaala mo'y laging naro'n pa rin

Tunay na ikaw pa rin sa puso
Ang lahat ng bawat kong pagsuyo
Paano bang mag-isa
Paano kung wala na
Pag-ibig kong dati'y sinasamba

Ngunit kung sya ang iyong ligaya
Tunay na ika'y makakaasa
'Wag kang mag-alala
Hahayaan kita
Kahit ang puso ko'y nag-iisa

Ngunit kung sya ang iyong ligaya
Tunay na ika'y makakaasa
'Wag kang mag-alala
Hahayaan kita
Kahit ang puso ko'y nag-iisa

Tunay na ikaw pa rin sa puso
Ang lahat ng bawat kong pagsuyo
Paano bang mag-isa
Paano kung wala na
Pag-ibig kong dati'y sinasamba

Ngunit kung sya ang iyong ligaya
Tunay na ika'y makakaasa
'Wag kang mag-alala
Hahayaan kita
Kahit ang puso ko'y nag-iisa