Ilang Ilang
Mabangong bulaklak
Singbango ng buhay
Humahalimuyak sa gabi at araw
Bulaklak na tangi na luntiang kulay
Kahit na maganda may bango ring taglay
Iya'y ilang-ilang ang tanging bulaklak
Na ang katamisa'y hindi kumukupas
Bulaklak na tangi na namumukadkad
Sa tangkay ng isang pag-ibig na tapat
Iya'y ilang-ilang ang tanging bulaklak
Na ang katamisa'y hindi kumukupas
Bulaklak na tangi na namumukadkad
Sa tangkay ng isang pag-ibig na tapat