Inulila Mo Sinta
Inulila mo sinta
Ang puso kong nagmamahal
Ngayon ay nag-iisa
At palaging nalulumbay
Di mo ba nababatid
Na ikaw lang ang mahal
Kung malayo ka aanhin giliw yaring buhay
Inulila mo ako
Ano ang magagawa
Kung hindi ang magtiis
Sa pagsuyong nawala
Lagi nang namamanglaw
Ang pusong nag-iisa
Inulila mo inulila mo ako sinta
Hmm hmm hmm hmm (ah ah)
Di mo ba nababatid (di nababatid)
Na ikaw lang ang mahal
Kung malayo ka aanhin giliw yaring buhay
Inulila mo ako
Ano ang magagawa
Kung hindi ang magtiis
Sa pagsuyong nawala
Lagi nang namamanglaw
Ang pusong nag-iisa
Inulila mo inulila mo ako sinta