Isang Lahi
Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo
Pangunawang tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y nandiyan sa palad mo
Kung ang tinig mo'y di naririnig
Ano nga bang halaga ng buhay sa daigdig
Darating ba ang isa ngayon
At magbabago ang panahon
Kung ang bawat pagdaing ay laging pabulong
Aanhin ko pa dito sa mundo
Ang mga matang nakikita'y di totoo
May ngiting luha ang likuran at paglayang tanong ay kailan
Bakit di natin isabog ang pagmamahal
Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo (bakit di)
Pang-unawang tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y nandiyan
Sa palad mo (sa palad mo)
Diba't ang gabi ay mayroong wakas
Pagkatapos ng dilim ay may liwanag
Araw ay agad na sisikat
Iilawan ang ating landas
Ng magkaisa bawat nating pangarap
Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo (bakit di)
Pangunawang tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y nandiyan sa palad mo (sa palad mo)
Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo (bakit di pagmamahal ang ialay mo)
Pang-unawang tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y nandiyan sa palad mo oh (sa palad mo)