Isang Lahi


Kung ang tinig mo'y di naririnig
Ano nga ang halaga ng buhay sa daigdig
Darating na ang isa ngayon
At mababago ang panahon
Kung ang bawat pagdaing ay laging pabulong

Aanhin ko ba dito sa mundo
Ang mga matang nakikita'y di totoo
May ngiting luha ang likuran at paglayang
Tanong ay kailan bakit di natin isabog ang pagmamahal

Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo
Pag-unawang tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y
Nandiyan sa palad mo

Diba't ang gabi ay mayroong wakas
Pagkatapos ng dilim ay may liwanag
Araw ay agad na sisikat
Iilawan ang ating landas nang magkaisa
Bawat nating pangarap

Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo
Pag-unawang tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y nandiyan sa palad mo

Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo
Pag-unawang tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y nandiyan sa palad mo