Isinusumpa Ko
Isinusumpa ko
Di kita iiwanan
Mangyari na ang mangyayari
Ikaw rin ay mahal
Isinusumpa ko
Kahit ikamatay
Puso ko ay di na iibig
Kung di sayo lamang
Ikaw ang una at huling mamahalin
Manalig ka magpahanggang libing
Isinusumpa ko
Di kita paluluhain
Maging ano man ang iyong nais
Ay aking susundin
Aking inaasahan
Di ka magtataksil
At aking idinadalangin
Ika'y maging akin
Isinusumpa ko
Magunaw man itong mundo
Ang tanging maiiwan
Ay sumpa ko sayo