Ituloy Mo Lang


Noong bata ka pa si Darna ang ginagaya
Minsan nama'y nagbi-bistida
Maging sa laruan manika ang napag-tripan
Ayaw mo ng baril-barilan
‘Di ka nila sinasali
Hindi ka raw tunay na lalaki

Gusto ng tatay mo na ika'y mag-sundalo
Pero babae ang puso mo
Kahit lunurin ka wala ring napala sila
Nung sabi mong ika'y sirena
‘Wag kang mag-alala
Matatanggap ka rin nila

At kahit na ano pa ang gusto mo
Basta wala ka lang tinatapakan na tao
Ituloy mo lang ito
Ang mahalaga ikaw ay masaya
‘Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba
Sila ang may problema

Walang pumapansin sa natatangi mong galing
Mas madalas ka pang laitin
Pinapakita mo na may silbi ka sa mundo
Ngunit walang rumirespeto
Lagi na lang iisipin
Sila na lang ang unawain

At kahit na ano pa ang gusto mo
Basta wala ka lang tinatapakan na tao
Ituloy mo lang ito
Ang mahalaga ikaw ay masaya
‘Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba
Sila ang may problema

‘Wag kang mag-alala
Matatanggap ka rin nila

At kahit na ano pa ang gusto mo
Basta wala ka lang tinatapakan na tao
Ituloy mo lang ito
Ang mahalaga ikaw ay masaya
‘Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba
Sila ang may problema

At kahit na ano pa ang gusto mo
Basta wala ka lang tinatapakan na tao
Ituloy mo lang ito
Ang mahalaga ikaw ay masaya
‘Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba
Sila ang may problema

Silang lumalait silang mahilig manakit
Silang ‘di pupunta sa langit

Silang nanlalait silang mahilig manakit
Silang ‘di pupunta sa langit