Kabilang Mundo


Dito dito lang tayo
Kung saan ang mundo ay hindi mo na natin kasalo
Dito dito lang tayo
Kung saan ang gabi ay nababalot pa ng misteryo

Sa matahimik lang kita makakasama
Sa nakatagong sandali ng pagkakasala

At dito lang tayo sa kabilang mundo
Mapayapa ligtas at may laya

Dito dito lang tayo
Kung saan ang lamig sa ating katawa'y natatalo
Dito dito lang tayo
Kung saan ang lahat ng katotohanan may milagro

Sa matahimik lang kita makakasama
Sa nakatagong sandali ng pagkakasala

At dito lang tayo sa kabilang mundo
Mapayapa ligtas at may laya

Gustong gusto ko ng gawin ito
Gustong gusto ko ng gawin sa'yo
Gustong gusto ko ng gawin ito
Gustong gusto mo rin naman ako

Sa matahimik lang kita makakasama
Sa nakatagong sandali ng pagkakasala

At dito lang tayo sa kabilang mundo
Mapayapa ligtas at may laya