Kahapon Lamang


Kahapon lamang narito ang saya
May dalawang puso daigdig na kay ganda
Sa kanilang mata mababanaag pa
Ningning ng pagsinta ukol sa isa't-isa

Kahapon lamang ay magkahawak pa
Sa isang landasin na ngayo'y nagsanga
Bagama't may ngiti balatkayong saya
Magkabalikan pa kaya sila

Sa kanilang mata mababanaag pa
Ningning ng pagsinta ukol sa isa't-isa

Kahapon lamang pag-ibig ay wagas
Animo'y batis na di magwawakas
Nguni't ba't naglayo di na nagkasundo
Kahit nagmamahalan kapwa puso

Kahapon lamang pag-ibig ay wagas
Animo'y batis na di magwawakas
Nguni't ba't naglayo di na nagkasundo
Kahit nagmamahalan kapwa puso