Kahit Isang Saglit


Pa'no ang puso kong ito
Ngayong lumisan ka sa buhay ko
Kung kailan sumikat ang araw
At lumigaya ang aking mundo
Pa'no nang mga bukas ko (pa'no nang bukas ko)
Ngayong wala ka na sa piling ko (ngayong wala ka na sa piling ko)
Paano mga pangarap (ang ating pangarap)
Mga pangako sa bawat isa (pa'no na ang mga pangako sa bawat isa)
Sana'y ika'y muling makita ko (sana'y)
Damhin ang tibok ng puso mo
Sana'y yakapin mo ako muli
Kahit sandali kahit isang saglit
Mayakap ka (oh oh oh)
Puso ko'y biglang naulila (puso ko'y biglang iyong iniwanan)
Iyong iniwanan na nag-iisa (puso ko'y iniwan mo nag-iisa)
Sana'y ika'y muling makita ko (sana'y)
Damhin ang tibok ng puso mo
Sana'y yakapin mo ako muli
Kahit sandali kahit isang saglit
Mayakap ka
Kahit sandali kahit isang saglit
Mayakap ka