Kahit Na


Kahit na ikaw pa ay lumisan
Halik mo 'di ko na malilimutan
Lalo na't ikaw pa lang ang minahal
Sa simula't katapusa'y ikaw lamang
Ang nagbigay kahulugan sa 'king buhay

Kahit na ikaw pa ay lumimot
Mundo ko'y tutuloy sa pag-ikot
Ang bituin akala ko'y naglalaho
'Yun pala'y sa ulap lang nakatago
Katulad ng pag-ibig mong mapaglaro

'Di ba sa simula'y sinabi mong walang matitiyak
Kaya't ligaya habang kapiling mo'y isiping 'di magwawakas
'Di kita pipigilan kailan man magbago ng isipan
Habang kapiling ka
Ligayang walang hanggan

Lalo na't ikaw pa lang ang minahal
Sa simula't katapusa'y ikaw lamang
Ang nagbigay kahulugan sa 'king buhay

'Di ba sa simula'y sinabi mong walang matitiyak
Kaya't ligaya habang kapiling mo'y isiping 'di magwawakas
'Di kita pipigilan kailan man magbago ng isipan
Habang kapiling ka
Ligaya'y walang hanggan