Kailangan Kita
Sana ay iyong naririnig
Pusong ikaw lang ang pinipintig
Tanging ikaw lang ang ligaya
Parang buhay ko'y may taning
Tuwing ika'y nalalayo sa'king tabi
Laging tinatanong sa tuwina
Ikaw ba'y makakapiling ko
Ngayong gabing walang kasing lamig
At muling magigisnan ko bukas
Bawat nakaw na sandali
Lagi kong hinihiling (lagi kong hinihiling)
Ikaw sa piling ko'y mananatili
Kailangan kita
Pagkat ang buhay ko ay kulang kung
Ika'y mawawala
Kailangan kita
Sana pagdilat ko
Ika'y nandito na
Sa aking bisig
Ikaw ay yayakapin ko buong higpit
Pangakong hindi ka bibitiwan
Hindi magmamaliw
Pag-ibig ko't himig
Ang puso ko'y iyong inangkin
Tadhanang kakaiba
Sa ati'y tinakda
Magmula ng ika'y dumating
O giliw
Kailangan kita
Pagkat ang buhay ko ay kulang kung
Ika'y mawawala
Kailangan kita
Pagkat ang puso ko sayo'y walang
Ililigaya pa
Kailangan kita
Sana pagdilat ko
Ika'y nandito na
Iyo bang naririnig
Pusong ikaw lang ang pinipintig