Kulang Na Pasko


Kay lamig ng simoy ng hangin
Pasko'y heto na
Awitin pamasko'y dinig ko na
Ngunit parang may kulang pa

Meron na 'kong regalo para kay lolo at lola
Nakabili na rin ng bagong pantalon at kamiseta
Ashtray ni Santa Claus ay nakahanda na
Bakit parang may kulang pa

Mga christmas card ay akin nang naipadala
Aguinaldo para sa inaanak ay tinabi ko na
Ano nga ba talaga ako'y nalilito na
Bakit parang pasko ko'y kulang pa

Ano kaya ang gagawin
Halos hindi na 'ko makakain
Kailan malulutas ang problema ko
Ano pang kulang ngayong pasko

Kami ng syota ko magkikita naman mamaya
Meron nang keso hotdog at may litson pa
Meron nang paputok sari-sari pa
Bakit parang pasko ko'y kulang pa

Ano kaya ang gagawin
Halos hindi na 'ko makakain
Kailan malulutas ang problema ko
Ano pang kulang ngayong pasko

Pero teka alam ko na
Kung bakit parang pasko ko'y kulang pa
Nakalimutan ko
Nakalimutan kong
Nakalimutan kong
Magsimba
Magsimba
Magsimba

Kaya pala'y pasko ko'y kulang pa
Pasko niyo ba'y kumpleto na