Kumatok, Humingi, Maghanap
Bakit kung minsan tayo'y nakadarama
Na para bang ang Diyos ay nagpapabaya
Samantalang ayon sa pangako niya
Kailanman ay di tayo iiwan niya
Bakit may dalangin na hindi nasasagot
Na para bang natutulog lamang ang Diyos
Ngunit ang bilin sa atin ni Hesus
Tayo'y manalangin lamang ng lubos
Kumatok at ika'y pagbubuksan
Humingi at ikaw ay bibigyan
Maghanap at iyong masusumpungan
Mga dalangin mo'y kanyang tutugunan
Kung ika'y nakadarama ng panghihina
Sa paglapit kay Hesus ay huwag magsawa
Pagkat sapat ang kanyang biyaya
Upang buhay mo'y kanyang mapagpala
Kumatok at ika'y pagbubuksan
Humingi at ikaw ay bibigyan
Maghanap at iyong masusumpungan
Mga dalangin mo'y kanyang tutugunan
Kumatok at ika'y pagbubuksan
Humingi at ikaw ay bibigyan
Maghanap at iyong masusumpungan
Mga dalangin mo'y kanyang tutugunan
Kumatok at ika'y pagbubuksan
Humingi at ikaw ay bibigyan
Maghanap at iyong masusumpungan
Mga dalangin mo'y kanyang tutugunan
Kumatok at ika'y pagbubuksan
Humingi at ikaw ay bibigyan