Kung maging ulila


Kung maging ulila
Sa balat ng lupa
Katulad ay ibong
Laging lumuluha
Sa lungkot ng palad
Ay kaawa-awa
O datna't panawan ng pagdaralita

Kung maging ulila
Luhang umaagos
Sa gabi at araw
Di matapos-tapos
Laging kaulayaw
Ay sawi kong buhay
Pag-asa'y wala na
Lagi nang may lumbay

Pag-asa'y wala na
Lagi nang may lumbay