Lagalag


Hindi ko na kailangan ng basurero para linisin ang aking kalat
Hindi na kailangan ng poso negro inidoro'y di naman nagbabara

Sapagkat saking bakuran
Kay lawak ng pwedeng tambakan
Hindi ko na kailangan pa ng bangka
Mababaw lamang patawid sa kabila
Wala na ring gamit ang aking lambat
Mula nang mag tanan ang mga isda

Kung dati aking nasisisi
Ang naiinom ang tubig
Ngayon pati ilong wala nang silbi
Dahil humihinga na lamang sa bibig

Hindi ko na kailangan pa ng libangan maliban sa mga batang tampisaw
Palipas oras din sa magdamagan titigan ang itim na dati'y bughaw

Mabuti pa sa langit
Makukuha mo pang ngumiti
Ngunit kapag ito'y masungit
Kwarto kong balsa ay kailangang ding itali
Mabuti

Ayoko nang maulit pa ang nangyari
Sa akin nung isang gabi
Sa panaginip ko ako'y isang haring nakatindig sa palasyong malaki
Ngunit ako'y nagising
Nalanghap ang lansa ng hangin
Nawala ang gana kong kumain
Sayang na naman ang bahaw na kanin

U daigdig
Sama-sama mula nung paslit
U daigdig
Kapalaran natin kay pait
U daigdig
Sampung tuka sa bawat kahig
U daigdig
Ako pa ba'y naririnig