Lambingan


Ay kay tamis hirang
Ng pag-sintang tunay
Ang lahat ay buhay
Lalo't ika'y kapisan
Kung sayo'y mawalay
Palad ko'y hihina
At kung walang lambingan
Mabuti pang mabuti pang ako'y pumanaw

Sa piling mo sinta ko
Napapawi ang lungkot
Napaparam nagbabago ang lahat ng himutok
At sa tuwi kong hahagkan
Ang pisngi mong mabango
Ay tuluyang mapaparam ang hirap ko
Kung tayo'y magkasayaw
Magkayakap sa galak
Ang langit ng bagong buhay ay maliwanag
Sa suyuang matimyas
Nalilimot ang lumbay
At patuloy ang sarap ng matamis na
Lambingan (ang lambingan)