Magagandang Asal


Mga batang katulad ko
Sana ay making tayo
Dito sa sasabihin ko
Dahil mahalaga ito

Ang pag-galang sa matatanda
Ay ugaling nakakaganda
Dapat na magsimula
Habang tayo'y mga bata pa

Lagi sana tayong mag-alay
Ng halik kay nanay at tatay
Mag-mano sa lolo't lola
Mag-opo sa tito't tita

Ang magagandang asal natin
Ay hindi pa dapat limutin
Dahil ang magalang na bata
Ay laging pinagpapala

Ang magagandang asal natin
Ay hindi pa dapat limutin
Dahil ang magalang na bata
Ay laging pinagpapala

Ay laging pinagpapala