Magkaibang Daigdig


Dinggin mo at hatulan
Kung ito ay katuwiran
Pag-ibig ko ay tunay
Iyan ay batid mo naman

Ngunit guhit ng palad
Na di maiiwasan
Magkaiba hindi bagay ating daigdig
Ating buhay

Tahanan mo ay ligaya
Ang sa aki'y pawang dusa
At sa iyo ang liwanag ng araw
Sa aking panig ay karimlan

Iyan ang dahil kung bakit
Dapat kitang iwanan
Magkaiba hindi bagay ating daigdig
Ating buhay

At sa iyo ang liwanag ng araw
Sa aking panig ay karimlan
Iyan ang dahil kung bakit
Dapat kitang iwanan
Magkaiba hindi bagay ating daigdig
Ating buhay


Autor(es): TITO AREVALO