Magkaibigang Tunay
Marami akong kalaro
Kapitbahay at kaeskuwela ko
May mabait at may pilyo
May tahimik at may magulo
Ngunit iilan lang sa karamihan
Ang matatawag kong kaibigan
Magkaibigang tunay
Walang kapantay
Sa lungkot at sigla
Sasamahan t’wina
Magkaibigang tunay
Panghabang buhay
Kahit sa paglaki
Mananatiling magkaibigang tunay
Lagi laging kasama
Kahit minsan ay may tampuhan
Pero kapag nagpray na
Siguradong bati na naman
Nalalaman ko na meron akong
Natatanging kaibigang tunay
Magkaibigang tunay
Walang kapantay
Sa lungkot at sigla
Sasamahan t’wina
Magkaibigang tunay
Panghabang buhay
Kahit sa paglaki
Mananatiling magkaibigang tunay
Magkaibigang tunay
Panghabang buhay
Kahit sa paglaki
Mananatiling magkaibigang tunay