Mahaba Pa Ang Gabi


Pintong bukas sara
Init na nang-iimbita (wag mo muna akong iuwi)
Mahaba pa ang gabi

Lungkot may dala dala
Nais ko lang namang magsaya (wag mo muna akong iuwi)
Mahaba pa ang gabi

Sa'n man maligaw
Basta't kapiling ka laging merong katuturan
Kahit tayo'y abutin man ng araw
Mahaba pa ang gabi

Pusong laging uhaw
Kahit mawasak pa sino bang may pakialam
Punuin mong muli ang aking hawak
Mahaba pa ang gabi

Tara't tayo nang magbabad
Umindak gumalaw lumipad (ako ay isayaw mong muli)
Mahaba pa ang gabi

Diwang patay-sindi (patay-sindi)
Damdaming di mapupundi (sabay nating uliting muli)
Mahaba pa ang gabi

Sa'n man maligaw
Basta't kapiling ka laging merong katuturan
Kahit tayo'y abutin man ng araw
Mahaba pa ang gabi

Pusong laging uhaw
Kahit mawasak pa sino bang may pakialam
Punuin mong muli ang aking hawak
Mahaba pa ang gabi

Babad sa ilaw at sa dilim
Naglalarong mga kulay
Nagagalak sa kinang
Ika'y biglang tumingin
Sa aking pagkasilaw (pagkasilaw)

Sa'n man maligaw
Basta't kapiling ka laging merong katuturan
Kahit tayo'y abutin man ng araw
Mahaba pa ang gabi

Pusong laging uhaw
Kahit mawasak pa sino bang may pakialam
Punuin mong muli ang aking hawak
Mahaba pa ang gabi
Mahaba pa ang gabi
Mahaba pa ang gabi