Mahal Kita Ng Lihim
Minamahal kita
Hindi mo lang alam
Paano sasabihing
Lihim kong pagtingin
At di mapalagay
Palaging matamlay
Hanggang kailan ba giliw
Ako'y maghihintay
Sa aking pagtulog
Kung gabi alaala ko'y ikaw
Ibig ko sanang makapiling ka
Sa aking pagtulog kung gabi
Panaginip ko'y ikaw
Sana'y mangyaring maging akin ka
Kailan kaya sasabihing
Utos ng aking damdaming
Kailan kaya masasabing
Mahal kita ng lihim
Sayong mga ngiti
Sayong mga tingin
Parang alam ko nang
Ako'y mahal mo rin
Sa aking pagtulog
Kung gabi alaala ko'y ikaw
Ibig ko sanang makapiling ka
Sa aking pagtulog kung gabi
Panaginip ko'y ikaw
Sana'y mangyaring maging akin ka
Hindi ko na maililihim
Ang tibok ng damdamin
Dapat ko nang sayo'y sabihing
Mahal kita ng lihim