Maligayang Bati


Maligayang bati sa ating lahat
Sa inyong pagsali kami'y nagagalak
At kinakandili na tinatanggap
Maligayang bati sa ating lahat

Di man magka-uri ang kinagisnan
Di man magkalipi ang pinagmumulan
Saring-sari sahi at kakanyahan
May puwang palagi na magtulungan

Maligayang bati sa ating lahat
Sa inyong pagsali kami'y nagagalak
At kinakandili na tinatanggap
Maligayang bati sa ating lahat

Di man magka-uri ang kinagisnan
Di man magkalipi ang pinagmumulan
Saring-sari sahi at kakanyahan
May puwang palagi na magtulungan

Maligayang bati sa ating lahat