Meron Ba?
Tanong mo ay iyong sagutin
Kung bakit ako hindi makatingin
Bakit tayo walang hangganan
Ako sa'yo dati lantaran
Ngunit nagbago ang lahat
Di ako pinapansin
Bihira nang mag-usap at sinabi mo sa akin
Wag sirain ang kung anong meron tayo
Mata ko ngayo'y tuyong-tuyo
Sa kaiisip ko sa iyo
Kumbaga sa mga natutulog
Isang napakasamang panaginip
At nagbago ang lahat
Di ako pinapansin (di ako pinapansin)
Bihira nang mag-usap at sinabi mo sa akin
Wag sirain ang kung anong meron tayo
Wag sirain ang kung anong meron tayo
Bitbit ko ba'ng problema
Palala ng palala
Sumisikip ang mundo
Di na tayo magkasundo
Hinarap na nga kita
At sinabi mo sa akin
Wag sirain ang kung anong meron tayo
Wag sirain ang kung anong meron tayo (wag)
Bitbit ko ang problema (wag)
Palala ng palala (wag)
Bitbit ko ang problema (wag)
Palala ng palala