Minamahal Kita


Kung aking wariin sinta
Ay naghihintay pagtapatan ka
Kung nais malaman sinta
Bakit tangi kang minamahal
Ikaw lang ang tunay na siyang dahilan
Ng aking kaligayahan

Minamahal minamahal kita
Pagsinta'y di mag-iiba
Hindi mo ba nadarama sinta
Bawat kilos ko'y pangarap ka
Minamahal minamahal kita
At nasa iyo ang tanging pag-asa
Asahan mong dalangin ko tuwina
Minamahal minamahal kita

Asahan mong dalangin ko tuwina
Minamahal minamahal kita