Minsan Lamang
Puso ko ngayon ay lihim na nagmamahal
Sa isang taong noon ko lang natagpuan
Aking nadama ang tunay na kaligayahan
Nang siya'y mangusap sa gitna ng halamanan
Kahit na hindi ko man lamang nakikita
Ang kanyang mukha sa wari ko ay maganda
Ako'y nabihag sa tinig niyang may panghalina
Kaya't ako ay lumisan na na pagdaka
Iyan na kaya ang pag-ibig
Na sa puso ko'y dumalaw
Buhat noo'y alinlangan
At di mapalagay
Ngunit ang di ko malaman
Kung may pagmamahal
Ang taong aking nakita
Kahit minsan lamang
Ngunit ang di ko malaman
Kung may pagmamahal
Ang taong aking nakita
Kahit minsan lamang