Minsan Pa


Maari ba ay muli
Mo akong mahalin
Maari ba ay muli
Naman akong pansinin

Sayo sinta
Puso ay nagmamahal
Minsan pa
Ay pagbigyan mo na

Sa'n man ako naroon
Ay laging nasa isip ka
Hanap-hanap pag-ibig mong
Akin nang nadama

Magmula noong tayo'y nagkalayo
Ay nangarap na muling malapit sayo

Minsan pa minsan pa
Ang pag-ibig mo ay madama
Minsan pa minsan pa
Ako ay muling mahalin sinta

Maari ba ay muli
Mo akong mahalin
Maari ba'y pansinin
Ang damdaming naglalambing

Sayo sinta
Tunay na nagmamahal
Minsan pa
Ay mahagkan kita

Minsan pa minsan pa
Ang pag-ibig mo ay madama
Minsan pa minsan pa
Ako ay muling mahalin sinta

Ang buhay ay walang sigla nang tayo'y nagkalayo
At may lungkot na nadarama ang puso kong ito
Nananabik na sa iyo

Minsan pa minsan pa
Ang pag-ibig mo ay madama
Minsan pa minsan pa
Ako ay muling mahalin mo sinta
Ang pag-ibig mo ay madama
Minsan pa