Munting Panalangin


Ang sabi sa akin matapos gumising
Ako ay magdasal huwag daw 'tong limutin
Magpasalamat sa araw na darating
At sa biyayang alay ng Diyos sa atin

Sa pagkain ko rin dapat manalangin
Dahil ito raw ay mabuting gawain
At sa gabi naman bago pa mahimbing
Si Jesus Christ daw ay muling kausapin

Bless mama ang papa
Bless lolo and lola
I-bless mo rin pala
Si ate at kuya
Alam kong ikaw ay lagi kong kasama
Wag kang mag alala Hesus mahal kita

Wag kang mag alala Hesus mahal kita