Musika


Dati alam na alam mo
Ang tinig ng awit ko
Ilang nota pa lang
Sasaya na ang iyong puso

Dati damang-dama mo
Ang kilig ng himig ko
Basta't narinig mo lang
Papanaw na ang lungkot mo

Ibalik natin pagmamahal nating hiling
Huwag limutin ang musika ng pag-ibig
Tayo'y lumikha ng bagong tinig
Huwag magsasawa sa awit natin

Oh oh oh oh

Ibalik natin pagmamahal nating hiling
Huwag limutin ang musika ng pag-ibig
Ating sagipin muli ang awit natin
Ating palakasin ang musika natin

Oh oh oh oh

Ating palakasin ang musika natin
Ating palakasin ang musika natin