Nahan kaya Ikaw
Nawaglit man sakali
Ngunit laging nagbabalik
Ang kahapong naglaho
Nalipos ng tamis
Noon din natutuhan
At namahay sa isip
Ang isang pagsuyong wagas
At unang pag-ibig
Nahan kaya ikaw
Nais kong makamtan
Ang iyong pusong tapat
Kung magmahal
Huwag mo ring iwawaglit
Ang araw na nagdaan
Nang tayo ay musmos pa't
Kapwa walang malay
Nahan kaya ikaw
Nais kong makamtan
Ang iyong pusong tapat
Kung magmahal
Huwag mo ring iwawaglit
Ang araw na nagdaan
Nang tayo ay musmos pa't
Kapwa walang malay