Oh Palad ko


Mula Lunes hanggang Biyernes ang aking suweldo para sa aking misis
At may sikretong overtime at iba pang sideline para naman sa mga chicks
Bakit kaya nagkaganyan ang ibang mister kung may magandang trabaho
Kahit ang bait-bait mo sa iyong pamilya bigla kang ma-dimonyo

Oh palad ko bakit ba ganyan
Ang mga tukso'y di maiwasan
Oh palad ko dilikado lang
Mga pagsubok pag natuluyan

Lalo na't pag nakainom at lasing ka ngayo'y di ka na makatanggi
Naku ang babaeng ire ang sarap maglambing kayganda pa ng ngiti
Ang kasalanan mong iya'y paulit-ulit mong ikukumpisal sa pari
At pagkatapos ay andyan na naman magde-date na naman kayo muli

Oh palad ko bakit ba ganyan
Ang mga tukso'y di maiwasan
Oh palad ko dilikado lang
Mga pagsubok pag natuluyan

Dahil merong kasabihan ang usok ay di raw magtagal sa balutan
At dumating ang panahon nabisto ni misis ang aking kabalbalan
Kaya diyaan nagsimula ang gulo sa bahay pinggan ay nagliparan
Pagmamahalan ng mag-asawa ay nasira at wasak ang tahanan

Oh palad ko bakit ba ganyan
Ang mga tukso'y di maiwasan
Oh palad ko dilikado lang
Mga pagsubok pag natuluyan