Paano Ang Puso Ko


Paano ang puso ko kung wala ka
Mangangarap lang bang nag-iisa
Ang makapiling ka'y langit sa akin
Dahil sa pagsuyong naghari sa atin

Paano ang puso kong nagkamali
Patatawarin mo kayang muli
Nasa 'yo lamang ang pag-uunawa
Dahil ang saktan ka'y 'di ko magagawa

Nasaan ka man ngayon
Mag-ingat ka sana
'Yan ang tanging dasal
Ng pusong nag-iisa

Paano ang puso ko kung wala ka
Mangangarap lang bang nag-iisa
Ang makapiling ka'y langit sa akin
Dahil sa pagsuyong naghari sa atin

Nasa 'yo lamang ang pag-uunawa
Dahil ang saktan ka'y 'di ko magagawa
Nasaan ka man ngayon
Mag-ingat ka sana
'Yan ang tanging dasal
Ng pusong nag-iisa

Paano ang puso kong nagkamali
Patatawarin mo kayang muli
Nasa 'yo lamang ang pag-uunawa
Dahil ang saktan ka'y 'di ko magagawa
Paano ang puso ko kung wala ka sinta
Paano ang puso ko kung mayroon nang iba
Paano ang puso ko paano na nga sinta

Canciones más vistas de