Pagsuyo (Affection)


Giliw bakit di mo dinggin
Yaring hibik ng panimdim
Mutya'y iyong ulinigin
Pagsuyo kong mataimtim

Ilaglag mo ang iyong hawak
Sa puso kong lumuluha
Yamang ikaw tanging mutya
Ang aliw ko sa dalita

Di ko na ibig pang
Sa mundo'y mabuhay
Kung ang pag-ibig mo'y
Di ko makakamtan

Ikaw lamang sinta
Ang tanging pag-asa
Ilawit mo sana
Awa't pagmamahal

Ikaw lamang sinta
Ang tanging pag-asa
Ilawit mo sana
Awa't pagmamahal