Pakwan


Bili na po kayo
Dito po ang pakwan
Murang mura lamang po
Ito po napakalaki at napakatamis
Suki dito po kayo

Mama inyong tikman ang tinda kong pakwan
Galing pa sa Tarlac lasa'y malinamnam
Kung maalinsangan kay sarap ng pakwan
Nagpapaginhawa sa bigat ng katawan

Dapat panuyuan ang mahal sa buhay
'Pagkat ang pag-ibig dapat alagaan
Ang nililigawan ay bigyan ng pakwan
Ng pakwang sintamis ng pag-ibig na tunay

Mama inyong tikman ang tinda kong pakwan
Galing pa sa Tarlac lasa'y malinamnam
Kung maalinsangan kay sarap ng pakwan
Nagpapaginhawa sa bigat ng katawan

Dapat panuyuan ang mahal sa buhay
'Pagkat ang pag-ibig dapat alagaan
Ang nililigawan ay bigyan ng pakwan
Ng pakwang sintamis ng pag-ibig na tunay

Mang Juan
Pakwan pakwan po
Ale mama pakwan kayo riyan
Mapula matamis na pakwan
Kayo ho mama pakwan

Dapat panuyuan ang mahal sa buhay
'Pagkat ang pag-ibig (pag-ibig)
Dapat alagaan (alagaan)
Ang nililigawan (nililigawan)
Ay bigyan ng pakwan
Ng pakwang sintamis ng pag-ibig na tunay
Ng pakwang sintamis ng pag-ibig na tunay

Bili na po kayo dito
Murang mura lamang po

Canciones más vistas de